Grace Nono

Ayoko Na


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ayoko nang maupo
Sa iyong kandungan
Ayoko nang tumingin
Sa mapungay mong mata

Sa likod ito pala'y
Isang apoy nagmumula
Nakasusunog sumisiklab
Lumalabas sa iyong salita

Sa mabigat mo na mga kamay
Na noon ay umaakit
Parang malamig na simoy ng hangin
Nagbibigay ginhawa

Ayoko na na maging
Parang isang ulila
Na sasayaw sa himig
Kundi man ng iyong galit hindi

Pagkat alam ko na hindi ito
Ang tunay kong tadhana
Nagkamaling umapak ang anghel
Sa maputik na lupa

Nang bumagsak sa paglipad
Para bang alitaptap
Isang hagis at ilaw niya ay nawala
Isang hagis at napinsala ayaw ko na pagkat minahal kita