
Ba't Di Ayusin Ang Mundo
Buksan mo nga ang iyong mata
Hindi mo ba nakikita
Bakit ganyan ang iyong inaasta
Sa pag-ibig talo ka
Pinagpalit ka sa iba
Isipin mo na lang na swerte ka
Marami nagugutom
Walang kasalanan ngunit nakakulong
Ba't lagi na lang tayong nagkakagulo
Ba't di ayusin ang mundo
Ang pera naman di na mahalaga
Sa langit ay di mo madadala
Ngiti ka lang magpasalamat ka
Mundo natin ay kay ganda
Lahat sila tutol sayo
Galit ka sa buong mundo
Ayusin mo na nga ang sarili mo
Huwag mong ipasa sa iba
Kung dati iniwanan ka
Mas ayos kung magmamahal ka pa
Maraming nagugutom
Walang kasalanan ngunit nakakulong
At lagi na lang tayong nagkakagulo
Ba't di ayusin ang mundo
Ang pera nama'y di na mahalaga
Sa langit ay di mo madadala
Ngiti ka lang magpasalamat ka
Mundo natin ay kay ganda
Maraming nagugutom
Walang kasalanan ngunit nakakulong
Ba't lagi na lang tayong nagkakagulo
Ba't di ayusin ang mundo
Ang pera naman ay di na mahalaga
Sa langit ay di mo madadala
Ngiti ka lang magpasalamat ka
Mundo natin ay kay ganda
Masdan mo ang aking mata
Hindi mo ba nakikita
Mundo natin ngayon ay kay ganda