
Bagong Araw
Mula no'ng simula
Iyong hinabol ang tala
Sa talas man ng paningin
Ito ay kusang nawala
Hinanap nang husto
Handang ikutin ang mundo
Tinahak ang bawat daan
Handang ibuhos ang dugo
Pagod na nga't may sugat ang 'yong puso
Ngunit patuloy pa rin itong pag-ikot ng mundo
Oh sa bawat oras na gumagalaw
Oh malayo na ang 'yong matatanaw
Oh sa yong mga tungkod ay bumitaw
At umakap sa liwanag nitong bagong araw
Bakas sa 'yong mukha
Ang mga guhit ng luha
Inukit na ng panahon
Nadarama hanggang ngayon
Tanging sa iyo
Nakasalalay nang husto
Ang bukas mong dumarating
Sadyang hindi mahihinto
Tapos na ang dilim ng 'yong kahapon
Buksan mo lang ang isip mo sa buhay mo ngayon
Oh sa bawat oras na gumagalaw
Oh malayo na ang 'yong matatanaw
Oh sa yong mga tungkod ay bumitaw
At umakap sa liwanag nitong bagong araw
Sundan mo lang ang puso mo
Kung sa'n ka man dalhin hanapin mo ang totoo
Ang langit mo'y naghihintay sa 'yo
Oh sa bawat oras na gumagalaw
Oh malayo na ang 'yong matatanaw
Oh sa yong mga tungkod ay bumitaw
At umakap sa liwanag nitong bagong araw (oh sa bawat oras na gumagalaw)
Nitong bagong araw
Oh malayo na ang 'yong matatanaw (nitong bagong araw)
Oh sa 'yong mga tungkod ay bumitaw (sa 'yong bagong araw)
Oh sa bawat oras na gumagalaw
Oh malayo na ang 'yong matatanaw
Oh sa 'yong mga tungkod ay bumitaw
Oh sa bawat oras na gumagalaw
Oh malayo na ang 'yong matatanaw
Oh sa 'yong mga tungkod ay bumitaw oh