
Bagyo, Bagyo
Bagyo bagyo anurin mo ang dungis ng katilingban
Sa bayang tila nag mamaliw
Pawiin ang uhaw ng mga tigang na damdamin
Hugasan ang poot ng mga pusong nangingitim
Bagyo bagyo ikalat mo ang kwento ng pag ibig
Ang tula na di na marinig
Isipol ang awit kasabay ng 'yong pag dilig
Sa lupang kay tagal nang naghihintay sa pag sapit (ha)
Ng tag ulan
Bagyo bagyo sabihin mo (bagyo bagyo sabihin mo)
Kailan nga ba darating
Pagsikat ng araw ng simula
Sariwang hangin na mapayapa
Bagyo bagyo wasakin mo pagkakahati hati
Ng mga tao sa bayan ko
Ibuhos ang galit at baka sakaling mayanig
Ang kawalang damdamin ng mayroong narinig
Bagyo bagyo ikalat mo ang kwento ng pag ibig
Ang tula na di na marinig
Isipol ang awit kasabay ng 'yong pag dinig
Sa lupang kay tagal nang naghihintay sa pagsapit (ha)
Ng tag ulan
Bagyo bagyo sabihin mo (bagyo bagyo sabihin mo)
Kailan nga ba darating
Pagsikat ng araw ng simula
Sariwang hangin na mapayapa
Bagyo bagyo (oh)
Ulan ulan (yeah)
Bagyo bagyo (oh)
Ulan ulan (yeah)
Bagyo bagyo (oh yeah)
Oh yeah