
Baka Maputikan
Bukid ay basa tag-ulan noon
May mutyang biglang sakin nagtanong
Kung nais ko raw siya ay tutulong
Sa pagtatanim ko ng palay maghapon
Kahit na ano ang aking sabihin
Ang pagtulong nya ay di ko mapigil
Ang sabi ko pa wag na neneng ko
At mapuputikan lamang ang bakya mo
Langit ang ganda ni neneng sa bukid
At nakita kong bukid man ay langit
Nangarap ako puso'y naidlip
Nagising ako sa tunay na pag-ibig
Bukid ay basa tag-ulan noon
May mutyang biglang sakin nagtanong
Kung nais ko raw siya ay tutulong
Sa pagtatanim ko ng palay maghapon
Kahit na ano ang aking sabihin
Ang pagtulong nya ay di ko mapigil
Ang sabi ko pa wag na neneng ko
At mapuputikan lamang ang bakya mo