
Bakasakali Sa Pag-Ibig
Bakit ba nagbabakasakaling mapansin
Yaring puso kong mayrong tapat na pag-ibig
At kung ako ay sadyang mabibigo lamang
Nanaisin kong hindi na magmahal at lumigaya
Magpakailan pa man
Kung magbabakasakali lang
At mabibigo sa 'yong mahal
Sadyang ganyan ang buhay
Kapos-palad kung minsan
Lubos ka mang magsakit
Di mo rin makakamtan
Kung ako'y sadyang iiwan mo
At tuluyang mawaglit sayo
Ay magbabakasakali pa rin
Na magbalik
Kung ako'y sadyang iiwan mo
At tuluyang mawaglit sayo
Ay magbabakasakali pa rin
Na magbalik