Coritha

Bakit Mahal Kita


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Bakit dahon ay natutuyo
Wari'y tinutukso
Ang pusong nabigo
Bakit araw ay naglalaho
Parang pag-ibig mo
Sadyang mapaglaro

Nais mo bang malaman
Ang damdamin ko
Pagmamahal ko ay di na magbabago
Kahit iwanan mo ako'y tapat sayo
Mananatiling ikaw lang ang
Sa puso ko

Bakit puso'y nasasaktan
Sa tuwing umuulan
Ang hinahanap ay ikaw
Oh bakit ligaya'y may lumbay
Dagling namamatay
Ang pag-sintang tunay

Nais mo bang malaman
Ang damdamin ko
Pagmamahal ko ay di na magbabago
Kahit iwanan mo ako'y tapat sayo
Mananatiling ikaw lang ang
Sa puso ko

Bakit ako'y iniwan mo
Hindi pa ba sapat
Ang inaalay ko sayo
Oh bakit kailangan magwakas
Ang kay gandang bukas
Pag-ibig na wagas

Oh bakit oh
Bakit oh
Oh bakit oh
Bakit bakit mahal kita
Oh bakit oh
Bakit oh
Oh bakit