
Bakit Nga Ba Mahal Kita
Kapag ako ay nagmahal
Isa lamang at wala nang iba pa
Iaalay buong buhay
Lumigaya ka lang lahat ay gagawin
Tumingin ka man sa iba
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko
Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko tanging dilim ang saksi
Bakit nga ba mahal kita
Kahit ‘di pinapansin ang damdamin ko
‘Di mo man ako mahal heto pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa ‘yo
Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka mang iba
Ba't baliw na baliw ako sa ‘yo (baliw na baliw)
Hanggang kailan ako magtitiis
O bakit nga ba (bakit nga ba)
Mahal kita
Ano man ang sabihin nila
Pagtingin ko sa ‘yo ‘di kailan man magmamaliw (di magmamaliw)
Buong buhay paglilingkuran kita
‘Di maghahangad ng ano mang kapalit
Tumingin ka man sa iba
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko
Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko tanging dilim ang saksi
Bakit nga ba mahal kita
Kahit ‘di pinapansin ang damdamin ko
‘Di mo man ako mahal heto pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa ‘yo
Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka mang iba
Ba't baliw na baliw ako sa ‘yo (baliw na baliw)
Hanggang kailan ako magtitiis
O bakit nga ba mahal kita (bakit nga ba)
Bakit nga ba mahal kita
Kahit ‘di pinapansin ang damdamin ko
‘Di mo man ako mahal heto pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa ‘yo
Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka mang iba
Ba't baliw na baliw ako sa ‘yo (baliw na baliw)
Hanggang kailan ako magtitiis
O bakit nga ba mahal kita oh (bakit nga ba)
O bakit nga ba mahal kita (bakit nga ba)