Sylvia La Torre

Basang Sisiw


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ako'y isang sisiw
Sa aking ina'y nawalay
Walang lumulukab
At nangangatog na sa ginaw
At kung umumaga
Ay walang sukat umakay
Hindi kumakain
Walang inang nagmamahal

Nasan ka ina bakit ako'y iyong natitiis
Na siklot siklotin
Ng hirap at sakit
Ako ay hubad at wala pa
Kahit isang bagwis
At sa lahat ng sandali nabibingit sa panganib

Kahit na ako ay masawi
Buhay ko'y makitil
Sa piling mo ina
Ay ligaya ko rin
Ngunit sa ngayo'y kanino pa
Kaya kami maglambing
Ang kaawa-awang lagay
Ng isang basang
Sisiw