
Basta'T Kasama Kita
Sa tuwing tayo'y magkakalayo
Hindi matahimik ang puso ko
Bawat sandali hanap kita
'Di mapakali hanggang muling kapiling ka
Dahil kung ika'y makita na
Labis-labis ang tuwang nadarama
Magisnan lamang ang kislap ng iyong mata
Kahit ano pa ay kakayanin ko na
Basta't kasama kita
Lahat magagawa
Lahat ay maiaalay sa'yo
Basta't kasama kita
Walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa
Basta't kasama kita
Giliw sana ay ikaw na nga (sana ay ikaw na nga)
Ang siyang mananatiling kasama ko
Dahil kung ika'y mawawala (kung ika'y mawawala)
Pati lahat sa buhay ko'y maglalaho (maglalaho)
Basta't kasama kita
Lahat magagawa
Lahat ay maiaalay sa'yo (sa'yo)
Basta't kasama kita
Walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa
Basta't kasama kita oh
Basta't kasama kita
Lahat magagawa (lahat ay magagawa)
Lahat ay maiaalay sa'yo
Basta't kasama kita (basta't kasama kita)
Walang kailangan pa (walang kailangan pa)
Wala nang hahanapin pa
Basta't kasama kita oh
Walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa
Basta't kasama
Kita (kita)