Mabuhay Singers

Bawa't pamilya ay magkaisa-isa


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Mahal na Poong Maykapal
Mga tao'y kanyang nilalang
Ang mag-anak ay pinagpisan-pisan
Sa bawat tahanan
Tungkulin sa Diyos at sa bayan
Sa kanila iniatang
Upang tuparin ang layunin
Ng sangkatauhan

Magandang asal ay pairalin
Sa bawat tahanan
Iyan ang tungkulin
Maging sa Diyos o sa bayan
Anuman ang sumapit
Sa ating kabuhayan
Mahirap malupig ang mag-anak na ang nasa'y kabutihan

Kaya bawat pamilya
Ay magkaisa-isa
Ang kabutihan ay pairalin
Sa tuwi-tuwina
Upang makamtan habang buhay
Ang ating ligaya
Tungkulin sa Diyos at sa bayan
Ay matupad ng bawat isa
Tungkulin sa Diyos at sa bayan
Ay matupad ng bawat isa