Rico J. Puno

Bawal Na Pag-ibig


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Pagkakasala dito sa ating daigdigan
Kapag umibig kung ito ay isang bawal
Sa buhay ko ngayo'y aking naranasan
Ang magdusa sa pag-ibig na bawal

Kung sa pag-ibig dito ako isinilang
Ay sa pag-ibig nais ko na ang mamatay
Bawal na pag-ibig paanong iwawaglit
Pagkakasalang kakambal na ng daigdig

Kung sa pag-ibig dito ako isinilang
Ay sa pag-ibig nais ko na ang mamatay
Bawal na pag-ibig pa'no iwawaglit
Pagkakasalang kasing gulang ng daigdig
Bawal na pag-ibig pa'no iwawaglit
Pagkakasalang kakambal na ng daigdig