Mel Sorillano

Bayani Ang Bayani Ay Ikaw


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Sa puso’t diwa mo saan mang sulok ng mundo
Taglay mo ang pangarap ng isang Pilipino
Maging sino ka man sarili’y laging laan
Maging buhay itataya sa lupang kinagisnan

Batid ng iyong lahi mayro’ng isang katulad mo
Saksi ang ‘yong lipi ang katangian ay sayo

Bayani namumukod at katangi-tangi
Bayani kayamanan ka ng iyong lahi
Ikaw ang aming tanglaw aming gabay
Oh bayani katuparan ng aming mga pangarap

Hindi ang pinag-aralan mo ang tunay na batayan
Hindi ang kayamanan na iyong nakakamtan
Hindi ang nangangarap ang siyang tatanghalin
Ang tunay na bantayog ay katapatan sa tungkulin

Maging ika’y titser singer doktor o di kaya’y sundalo
Basta’t ikay naglilingkod ng tapat at totoo oh

Namumukod at katangi-tangi
Bayani kayamanan ka ng iyong lahi
Ikaw ang aming tanglaw aming gabay
Oh bayani katuparan ng aming mga pangarap
Woah

Namumukod at katangi-tangi
Bayani kayamanan ka ng iyong lahi
Ikaw ang aming tanglaw aming gabay
Oh bayani

Oh bayani
Aming bayani
Ang bayani ay ikaw