Mimo Perez

Binhi Ng Pag-Ibig


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Pag-ibig mo ang siyang nagmulat
Nag-akay sa liwanag
Pag-ibig mo rin saki'y tumawag
Upang maging alagad

Kaya ko bang maglingkod nang ganap
Kayang iwanan ang lahat
Ang tanging alam ko ako'y tinawag
Upang maging alagad

Pag-ibig mo'y napatunayan ko
Yan ang tanging pag-asa ko

Katulad mo nais kong ihandog
Ang lahat sa buhay ko
Katulad din ng binhing nahulog sa lupa't namatay
At mula roon bagong buhay sa mundo ay sumilay

Katulad mo nais kong ibigay
Ang pag-ibig na aking taglay
Isugo mo narito ako
Binhi ng pag-ibig mo

Kaya ko bang maglingkod ng ganap
Kayang iwanan ang lahat
Ang tanging alam ko ako'y tinawag
Upang maging alagad

Pag-ibig mo'y napatunayan ko
Yan ang tanging pag-asa ko

Katulad mo nais kong ihandog
Ang lahat sa buhay ko
Katulad din ng binhing nahulog sa lupa't namatay
At mula roon bagong buhay sa mundo ay sumilay

Katulad mo nais kong ibigay
Ang pag-ibig na aking taglay
Isugo mo narito ako
Binhi ng pag-ibig mo oh
Binhi ng pag-ibig mo