Sylvia La Torre

Binibiro Lamang Kita


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Minsa'y aking napansin
Na ika'y nalulungkot
Tinangka kong aliwin ang iyong pusong may himutok
Subalit nagtampo ka
At pinagbintangan pa
Na ako ang may sala
At siyang nagdulot ng dusa

Binibiro lamang kita
Halina aking giliw
Akala mo yata'y tunay
Na di ka mahal sa akin
Kahit tuluyang
Buhay ko'y pumanaw
Puso ko'y tanging
Sa iyo lamang

Binibiro lamang kita
Manalig ka na sana
Hindi mo ba nadarama
Ang dibdib kong may dusa
Bigyan mo lamang
Kahit konting pag-asa
At ng mabuhay
Na maligaya