Sylvia La Torre

Bituing Marikit


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Bituing marikit sa gabi ng buhay
Ang bawat kislap mo'y ligaya ang taglay
Yaring aking palad iyong patnubayan
At kahit na sinag ako'y bahaginan

Natanim sa puso ko yaong isang pag-ibig
Na pinakasasamba sa loob ng dibdib
Sa iyong luningning laging nasasabik
Ikaw ang pangarap bituing marikit

Lapitan mo ako halina bituin
At ating pag-isahin ang mga damdamin
Ang sabik kong diwa'y huwag mong uhawin
Sa batis na iyong wagas na paggiliw

Ang sabik kong diwa'y huwag mong uhawin
Sa batis na iyong wagas na paggiliw