
Buhay Banda
Marunong mag gitara
Pero hindi kumakanta
Ah
Marunong kumanta
Pero hindi maganda
Ikaw yun
Pero okay lang naman
Basta't ikaw ay masaya
Kahit hindi ka magaling
Basta't nag-eenjoy ka
Pupunta kami sa gig
Pupunta kami ng Taguig
Kahit wala pang bayad
Kahit kami ang pang-una
Kahit wala pang tao
Kahit kami ang panghuli
Wala nang tao
Kahit waiter lang ang audience pati mga upuan
Kahit tropa lang kasama sagot mo pa ang pulutan
Kahit di ka magaling
Basta't nag-eenjoy ka
Kahit ayaw ni mama
At pati na rin si papa
Kahit na tutol lahat
Basta't nag-eenjoy ka