Sylvia La Torre

Buhay sa Nayon


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Kung ang hanap mo'y tunay na pagsinta
Buhay sa nayon ang tangi mong pag-asa
Tunay na aliw ang doo'y laging makikita
Ligaya sa pusong sakbibi ng pagdurusa

Iyan ang lunas sa dibdib na may hapis
Nagdudulot ng sigla sa pag-ibig
Hindi mo mapapansin hirap na tinitiis
Sa tamis ng iyong ngiti sa pag-awit

Sa nayon ay masaya tayo ay maglibang
Lahat ay umiindak at nagkakatuwaan
Ang bawat puso'y tigib ng diwa ng kasayahan
Ang kalungkutan ay hindi nararamdaman

Kung nilimot kang lubos ng dati mong mahal
Sa nayon ka mag-aliw lunasan ang lumbay
Pagkat doon ay walang pusong taksil sa suyuan
Pag-ibig nila ay wagas magpakailanman

Iyan ang lunas sa dibdib na may hapis
Nagdudulot ng sigla sa pag-ibig
Hindi mo mapapansin hirap na tinitiis
Sa tamis ng iyong ngiti sa pag-awit

Sa nayon ay masaya tayo ay maglibang
Lahat ay umiindak at nagkakatuwaan
Ang bawat puso'y tigib ng diwa ng kasayahan
Ang kalungkutan ay hindi nararamdaman