Grace Nono

Buhok


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Mahaba at nakalugay
Iyang lagi gusto mo
Lalo na't nagniniig tayo
Sa pusikit na dilim
Sa pusikit na dilim
'Sing-itim 'sing-itim
Ng mga hiblang nilalagnat
Sa simbuyo ng damdamin
Sa simbuyo ng damdamin

Di tulad ng pag-giliw
Ano't lugay na buhok
Ay sinasabunot
Sinasabunot
Sa silakbo ng lupit at poot
Bara-barang nalimot
Iyo'y nilalambuyot
Sa timyas ng pag-irog
Sa timyas ng pag-irog
Gay kirot gay kirot
Nakatanim palibhasa
Sa buhok