
Bungalow
Ako'y probinsyanong dukha
Ang dumayo ng Maynila
Ang naging kapalaran
Isang kahig isang tuka
Ang una kong trabaho
Talagang nakakahiya
Ang istambay ko laluman
Namumulot ng kandila
At dyan ako umasenso
Sa kandilang inipon ko
Ibinenta ko sa Benondo
Nabili ng tig ootso ang kilo
Kay hirap pala ng negosyo
Na pinupulot sa may sementeryo
Ang naging bahay kong bungalow
Ay laging dinadalaw ng multo
Aray
Kahit saang kwarto ako matulog
Pintuan ko'y laging kinakalabog
Mga multo ay pumapasok
At sa akin nakapalibot
Ang ginawa ko'y
Tumalon at tumakbo
Hanggang nakarating sa may Retero
Buti hindi ako inabot
Ipagbibili ko na itong bahay ko
Nakakatakot eh
At ngayon ang aking bungalow
Binenta ko pati multo
At dyan ako umasenso
Sa kandilang inipon ko
Ibinenta ko sa Benondo
Nabili ng tig ootso ang kilo
Kay hirap pala ng negosyo
Na pinupulot sa may sementeryo
Ang naging bahay kong bungalow
Ay laging dinadalaw ng multo
Aray
Kahit saang kwarto ako matulog
Pintuan ko'y laging kinakalabog
Mga multo ay pumapasok
At sa akin nakapalibot
Ang ginawa ko'y
Tumalon at tumakbo
Hanggang nakarating sa may Retero
Buti hindi ako inabot
Ipagbibili ko na itong bahay ko
Nakakatakot eh
At ngayon ang aking bungalow
Binenta ko pati multo