Sylvia La Torre

Dahil Sa Polka

Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ang polka ay magandang tingnan lalo't ikaw ang kasayaw
Ang paa mo kung minamasdan ay magaan kung humakbang
Ang kumpas ng polka ay bagay sa galaw ng iyong katawan
Ang galak ng puso ko naman tila walang hanggan

Dahil sa polkang masigla ang damdamin ko'y nag-iba
Ang ibon man ay kumanta at ang tanawi'y gumanda
Ang buhay ko ay sumaya di mo lamang napupuna
Puso ko'y biglang kumaba dahil sa polka

Ang polka ay magandang tingnan lalo't ikaw ang kasayaw
Ang paa mo kung minamasdan ay magaan kung humakbang
Ang kumpas ng polka ay bagay sa galaw ng iyong katawan
Ang galak ng puso ko naman tila walang hanggan

Kahit sa maghapon kung polka ang tutugtugin
Di ka magsasawa pag ito ang sasayawin
Lalo na't kung tuwina may kasayaw kang mahinhin
Ang sayawa'y nakakaaliw di na magmamaliw

Ang polka ay magandang tingnan lalo't ikaw ang kasayaw
Ang paa mo kung minamasdan ay magaan kung humakbang
Ang kumpas ng polka ay bagay sa galaw ng iyong katawan
Ang galak ng puso ko naman tila walang hanggan

Bumagay ka irog nang di ka mapagtawanan
Kung polka ang tugtog ay polka rin ang isayaw
Ang buhay kung minsan ay polka rin na magalaw
Mag-ingat lang sa bawat hakbang di ka malulumbay