
Dakilang Maylikha
Dakilang Maylikha
Sa kalinga't pang-unawa
Mangyari ang Iyong Diwa
Sa langit at sa lupa
Bigyan mo ng sapat
Ang lahat sa araw-araw
Turuang magparaya
Gaya ng Iyong gawa
Iadya Niyo kami
Sa pagmamataas
Upang maiwaksi
Ang lupit at dahas
At samahang lumikha
Ng pamayanang payapa
Sa kalikasan kabuhayan
Kakanyahan paniniwala
Siya nawa (siya nawa)
Siya nawa (siya nawa)
Siya nawa (siya nawa)
Siya nawa