Sylvia La Torre

Dalaga't Binata

Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ang mga dalaga't binata'y nagsasaya
Sa gitna ng parang sila ay nagtatawa
At ang bawat puso'y sabik nga sa pagsinta
Kagalakang tunay ang hangad nila
At sa aliw ng awit at tugtugan
Upang lumagi ang kasayahan
At ang tanging araro ng buhay ang siyang ligaya walang hanggan

Ang mga dalaga't binata'y nagsasaya
Sa gitna ng parang sila ay nagtatawa
At ang bawat puso'y sabik nga sa pagsinta
Kagalakang tunay ang hangad nila

Bulaklak na sumilang sa nayon
Di dagling mahagkan nakatikom
Kabanguha'y sadyang mahinahon
Kay hirap mapatugon