Mabuhay Singers

Damdaming Pasko

Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ang kagandahang loob
Ay naghahari sa sino man
Pagbibigayan ang siyang namamasdan dito at kahit saan man
Sa tuwing araw ng Pasko
Nagdiriwang ang kahit sino
Ang masagana'y buong siglang nag-aalay ng tulong sa dukha

Ang damdaming ganyan sana ay laging taglay ng bawat isa
Upang ang buhay natin ay lumaging ligtas sa pagdurusa

Nang mamuhay tayong walang pangamba at maligaya