Imelda Papin

Di kita Sinisisi


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Iniibig kita ng higit sa aking buhay
Ang nadaraama ko ay pag-ibig na tunay
Sa bawat sandali kita'y napapangarap
Higpit ng yakap mo lagi kong hinahanap

Bigla kang nagbago at ako'y iyong nilisan
Ng iyong malaman madilim kong lumipas
Putik man sa tingin may pusong ginintuan
At kapag umibig ay tunay at tapat

Hindi kita sinisisi
Ng ako'y layuan mo sinta
At di mo matanggap ang lumipas
Na dinanas ng sawi kong buhay

Nang ibigin kita landas ko'y nagliwanag
Nais ng puso ko ganap na pagbabago
Sana ay matupad ang ligayang pangarap
At sana'y makamtan ang pag-ibig na tapat

Hindi kita sinisisi
Ang ako'y layuan mo sinta
At di mo matanggap ang lumipas
Na dinanas ng sawi kong buhay

Nang ibigin kita landas ko'y nagliwanag
Nais ng puso ko ganap na pagbabago
Sana ay matupad ang ligayang pangarap
At sana'y makamtan ang pag-ibig na tapat