Sylvia La Torre

Di Mahahadlangan

Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ang binata pag nagliligaw sa mutya na kanyang minamahal
Hihikbi-hikbi sa hinagpis at darasal-dasal gabi't araw
Ngunit di man din na mabanggit itong kanyang tunay na pag-ibig
Di masabi-sabi ng bibig loobin ng dibdib

Ngunit minsan binata ay nagtapat
Sa dalaga na kanyang nililiyag
Sa pag-ibig pala ay may kaagaw
Naniguro sa pagligaw
Ang pag-ibig ay di mahahadlangan
Na katulad ng ibong kumakampay
Sa sariling lipad ng pagmamahal
Pag-ibig ay sadyang ganyan