
Di Mo Ba Nadarama
Di mo ba nadarama na mahal na mahal kita
Bakit ngayon ako'y nag-iisa
Wala na bang halaga ang damdamin ko
Kaya ngayon ako'y iniwan mo
Naaalala ko pa nang tayo pang dalawa
Pag-ibig natin kay sarap
Kay saya-saya laging magkasama
Di ko naisip na mawawala ka
Ang sabi mo habang-buhay ay tayo
Ngunit bakit naman ikaw ay nagbago oh
Di mo ba nadarama na mahal na mahal kita
Bakit ngayon ako'y nag-iisa
Wala na bang halaga ang damdamin ko
Kaya ngayon ako'y iniwan mo
Heto ako ngayon laging naghihintay
Kailan ka ba babalik
Nagmamakaawa nagsusumamo
Na ako'y muli mong mahalin
Ang sabi mo habang-buhay ay tayo
Ngunit bakit naman ikaw ay nagbago oh
Di mo ba nadarama na mahal na mahal kita
Bakit ngayon ako'y nag-iisa
Wala na bang halaga ang damdamin ko
Kaya ngayon ako'y iniwan mo
Di mo ba nadarama na mahal kita
Oh
Writer/s: VENANCIO A. SATURNO