Sponge Cola

Di Na Mababawi


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ngayo'y aking inuunawang pilit
Mga pagkukulang kong iyong ginigiit
Sana'y malaman mo na tanging ikaw lamang
Ang aking iniintindi

Nakatanim pa sa'king ala-ala
Pangako mong mananatili ka
Kaya't paglisan mo'y naiwan ang pusong ito
Na ngayo'y bitin na bitin

'Di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa

Nasa 'king guniguni malamig mong tinig
Kasabay ng hangin na dumarampi
Na para bang ika'y nariyan sa aking paligid
Tahimik na nagmamasid

'Di mo na mababawing iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa

Nahulog na'ng mga ulap buwan at araw mga bituin
Ang ginugol na panaho'y nasaan (panaho'y nasaan)
'Di ba't sayang naman ('di ba't sayang naman)
Giliw yeah

Ngunit di mo na mababawing iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa

Bakit nga ba ako 'yong pinaasa