
Digmaan
Digmaan sa'ting mundo
Wala na bang katapusan
Ano bang pinaglalaban niyo
Marami nang buhay ang nasasayang
Nakikita mo ba bawat sugat ko
Di maitago ang sakit kahit pilitin mo
Di ko man alam sinong kalaban ko
Ituro mong lahat gabayan mo ako
Isipin mong anong kahahantungan
Maraming nadadamay na walang alam
Sisirain buhay at kinabukasan
Itigil ang digmaan itigil ang digmaan
Digmaan sa'ting mundo
Wala na bang katapusan
Ano bang pinaglalaban niyo
Marami nang buhay ang nasasayang
Tayo'y magkaisa
Digmaan itigil na
Bawat buhay mahalaga
Kapayapaan makakamit na ba
Iniisip mo ba paghihirap ko
Iniilagan ang bala baka tamaan mo
Winasak niyo lahat pati tahanan ko
Magsisimulang muli kailan nga ba ito
Isipin mong anong kahahantungan
Maraming nadadamay na walang alam
Sisirain buhay at kinabukasan
Itigil ang digmaan itigil ang digmaan
Digmaan sa'ting mundo
Wala na bang katapusan
Ano bang pinaglalaban niyo
Marami nang buhay ang nasasayang
Tayo'y magkaisa
Digmaan itigil na
Bawat buhay mahalaga
Kapayapaan makakamit na ba
Isipin mong anong kahahantungan
Maraming nadadamay na walang alam
Sisirain buhay at kinabukasan
Itigil ang digmaan itigil ang digmaan