
Dios Ng Katotohanan
Ako'y nagliliwaliw nang iyong tinawag
Sa sanlibutang mandaraya
Maganda sa tingin nakatago’y sumpa
Sa mga taong masasama
Nang makasumpong ng kabutihan
Sinuri ko’t pinag-aralan
Ikaw na nga ba ‘yan ikaw na nga ba ‘yan
Kristo Hesus ng katotohanan
Karunungan kapayapaan
‘Di natutunan kaninoman (‘di sa mga bulaan)
Kundi sa‘yo sa‘yo lamang
O Dios ng katotohanan
Utang ko sa ‘yo ang aking buhay
Nais ko ngayo’y magtagumpay
Sa hinihingi mong kasakdalan
Salamat sa iyo o Dios ng katotohanan
Katotohanang napatunayan
Tinanggap ko sa aking puso
Itong aral mo at bautismo
‘Di kayang tibagin ng kahit sino
Karunungan kapayapaan
‘Di natutunan kaninoman (‘di sa mga bulaan)
Kundi sa ‘yo sa ‘yo lamang
O Dios ng katotohanan
Utang ko sa ‘yo ang aking buhay
Nais ko ngayo’y magtagumpay
Sa hinihingi mong kasakdalan
Salamat sa iyo o Dios ng katotohanan
Utang ko sa ‘yo ang aking buhay (utang ko sa'yo)
Nais ko ngayo’y magtagumpay
Sa hinihingi mong kasakdalan
Salamat sa iyo o Dios ng katotohanan
Dios ng katotohanan