
Dungawin Mo Hirang
Giliw ko'y pakinggan
Awit na mapanglaw
Na nagbuhat sa isang pusong nagmamahal
Huwag mong ipagkait
Awa mo'y ilawit
Sa uhaw kong pusong naghihirap sa pag-ibig
Dungawin mo hirang
Ang nananambitan
Kahit sulyap mo man lamang
Iyong idampulay
Sapagkat ikaw lamang
Ang tanging dalanginan
Ng puso kong dahil sa iyo'y nabubuhay
Dungawin mo hirang
Ang nananambitan
Kahit sulyap mo man lamang
Iyong idampulay
Sapagkat ikaw lamang
Ang tanging dalanginan
Ng puso kong dahil sa iyo nabubuhay