Harana Kings

Dungawin Mo Sana

Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Dungawin mo sana bituing marilag bigyan mo ng pag-asa
Dapat mong malaman sa oras na ito nais ko ay ligaya

Kung tunay mang ang iyong puso'y nakasangla na
Pilit kong kukunin
Sa kamay ng iba

Kung ako'y mahal mo kahit na sandali ako ay lilingapin
Magtapat ka sana at huwag mong linlangin ang aking damdamin

Asahan giliw
Mundo man ay gunawin
Ikaw at ikaw rin at wala nang ibang mahal sa akin

Kung tunay ngang ang iyong puso'y nakasangla na