Ruben Tagalog

Dungawin mo, Hirang


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Giliw ko'y pakinggan
Awit na mapanglaw
Na nagbuhat sa isang pusong nagmamahal
Huwag mong ipagkait
Awa mo'y ilawit
Sa abang puso kong naghihirap sa pag-ibig

Dungawin mo hirang
Ang nananambitan
Kahit sulyap mo man lamang iyong idampulay
Sapagkat ikaw lamang
Ang tanging dalanginan
Ng puso kong dahil sayo'y nabubuhay

Dungawin mo hirang
Ang nananambitan
Kahit sulyap mo man lamang iyong idampulay
Sapagkat ikaw lamang
Ang tanging dalanginan
Ng puso kong dahil sayo'y nabubuhay