Kit Manlangit

Dyip


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Mausok at mainit
Tiyak na manlalagkit
Pagpapawisan ang singit
Kahit na nakasabit
Dito sa masikip na dyip
Dito sa masikip na dyip

Siksikan sa umaga
Hindi ka na magkandaugaga
Maluwag pa raw sa siyaman
Kaliwa't kanan daw ay sampuan
Dito sa masikip na dyip
Dito sa masikip na dyip

Ngunit kahit nahihirapan
O kay sarap namang pagmasdan
Sa mumunti na espasyo
Tayo'y nagsalo-salo
Oh

Ano mang uri
Ng Diyos mong pinupuri
Ano mang lahi
Ng iyong reyna at hari
Ano mang kulay
Ng mga mata at kamay
San ka man maglakbay
Ika'y mapapasakay

Sa masikip na dyip
Sa malagkit na dyip
Sa mainit na dyip
Kahit saglit ang biyahe
Sulit ang pamasahe