
Entropy
Lumipas na ang oras nandito pa rin ako
Nagbibilang ng luha na hindi natutuyo
Natulala at naliligaw sa aking isipan
Ang alaalang aking binabalik-balikan
Pipikit na lang ako
Kailan ba ito hihinto
Sa bawat pag-sikat ng araw
Madilim na paligid ang natatanaw
Sa bawat pag-ikot ng mundo
Ang mga bituin ay dahan-dahang lumalayo
Sumisigaw sapagkat walang nakakadinig
Nakatingin sa siluweta mong di umiimik
Nakahiga at nalulunod sa aking pagluha
Ang alaalang ating di na malilimutan
Pipikit na lang ako
Habang ika'y lumalayo sa akin
Ang kwento natin ay lumilipas at umuulit
Saglitang umiihip na parang hangin
Pag-sapit ng bukas ako ay umaasa muli
Na ikaw at ako ay muling magkatabi
Sa bawat pag-sikat ng araw
Madilim na paligid ang natatanaw
Sa bawat pag-ikot ng mundo
Ang mga bituin ay dahan-dahang lumalayo