Ensou

Event Horizon


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Tanda ko pa ang langit na
Pinagmamasdan nating dalawa
Ramdam ko pa ang yakap na
Bigay mo tuwing ako'y naluluha

Ito ako
Nangangarap maibalik
Ang noon

Ang ikaw at ako
Naging ulan na luha
Ang magkasama
Naging akong nag-iisa
Asan ka man ngayon

Pwede ko bang malakbay ang
Oras patungo sa 'ting nakaraan
Pwede pa ba wala na bang
Pag-asa na ika'y aking iyakan

Ngayon ako'y
Lumuluha nag-iisa
Asan ka ba

Ang nagmamahalan
Naging akong nagdurusa
Ang magpakailan
Naging pusong may hangganan
Asan na ba ako

Ang araw ay nag-iisa
Ang buhay ko nag-iiba
Dahan-dahang nalalaglag ako
Patungo sa mundo mo

Ang ikaw at ako
Naging tayong dalawa
Ang magkasama
Naging tayong masaya

Ang nagmamahalan
Naging tayong di mawalay
Ang magpakailan
Naging tayong magkahawak kamay
Sa mundong ito