
Gaya-Gaya
Gaya-gaya putomaya
Ang ibig sabihin ay mangongopya ka
Gaya-gaya putomaya
Wala kang simulaing maganda
Ang maiksing damit nang dito'y mamoda
Agad pinarisan ng mga dalaga
Kahit hindi bagay pinipilit nila
Para makita lang ang legs nila
Gaya-gaya putomaya
Ang ibig sabihin ay mangongopya ka
Gaya-gaya putomaya
Wala kang simulaing maganda
Karamihan ngayon sa kabinataan
Malabis ang bisyo at wala pang dalang
Ang bawat makita ay pinaparisan
Kahit sa kanila ay di bagay
Gaya-gaya putomaya
Ang ibig sabihin ay mangongopya ka
Gaya-gaya putomaya
Wala kang simulaing maganda
Itong si Mang Gustang na barbero namin
Humina ang kita ngayo'y bulag na rin
Teenager daw kung magpagupit sa kanya
Minsan anim na buwan ay utang pa
Gaya-gaya (gaya-gaya)
Putomaya (putomaya)
Ang ibig sabihin ay mangongopya ka
Gaya-gaya (gaya-gaya)
Putomaya (putomaya)
Wala kang simulaing maganda