
Gitara
Bakit pa kailangang magbihis
Sayang din naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa tuwing tayo'y magkasama
Bakit pa kailangan ang rosas
Kung marami namang nag-aalay sa'yo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon
Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa'yo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito (awitin kong ito)
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara
Idadaan na lang sa gitara (idadaan)
Mapapagod lang sa kakatingin
Kung marami namang nakaharang
Aawit na lang at magpaparinig
Ng lahat ng aking nadarama
Pagbibigyan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa'yo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito (awitin kong ito)
Sabay ang tugtog ng gitara (gitara)
Idadaan na lang sa gitara (idadaan)
Pagbibigyan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa'yo (magkandarapa sa'yo)
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito (awitin kong ito)
Sabay ang tugtog ng gitara oh
Idadaan na lang
Sa gitara
Idadaan na lang
Sa gitara
Awitin kong ito