
Habilin
Pangarapin mo bunso
Ang isang magandang mundo mali ng aming panahon
Sa panahon mo iwasto
Magsumikap ka lagi
Nang matupad anumang mithi
Huwag kang tumigil sa pangarap dyan kami mali
Bukas mamanahin mo
Buti nami't sama
Bukas malalaman mo
Ikaw nga ay pag-asa
Kung saan kami nadapa
Doon bumangon ka
Maging matalino ka
Matutong magsala
Mga turo namin sayo
Di kami laging tama
Panahon mong kinagisnan iba sa 'ming nasaksihan
Kaya't tayo'y nagtatalo huli na nang malaman
Bukas mamanahin mo
Buti nami't sama
Bukas malalaman mo
Ikaw nga ay pag-asa
Kung saan kami nadapa
Doon bumangon ka
Doon bumangon ka doon bumangon ka
Tawag ng iyong bayan
Lagi mong dinggin pag-iisa'y iwasan
Wala kang mararating
Bahagi ka ng mundo
Kaya't sayong mga tagumpay
Kapwa mo ay idamay dyan kami kulang
Bukas mamanahin mo
Buti nami't sama
Bukas malalaman mo
Ikaw nga ay pag-asa
Kung saan kami nadapa
Doon bumangon ka
Kung anong aming tama
Bukas patibayin pa