Jaya

Hanggang Dito Na Lang


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Di ko alam kung tama ba ito
Lilisan ako upang maintindihan ko
Ang puwang sa puso't isipan
Kailangang gawin ngunit masasaktan
Iiwasan kong landas nating pinagdaanan
Pipilitin kong kalimutan ka

Hanggang dito na lang pilit ko mang ipaglaban ating pagmamahalan
Ito'y balewala sapagkat ako'y iniwan
Hanggang dito na lang ikaw itong
Nagpaalam alam kong hangang dito na lang

Sabi mo sa akin ako'y iyong mahal
Ako'y hindi iiwan magsasama habang buhay
Anong nangyari sayong pangako
Na aking pinaniwalaan tamis ng kahapon

Di maintindihan sakit na nararamdaman
Pipilitin kong kalimutan ka
Hanggang dito na lang pilit ko mang ipaglaban ating pagmamahalan
Ito'y balewala sapagkat ako'y iniwan
Hanggang dito na lang ikaw itong nagpaalam
Alam kong hangang dito na lang

Malaya ka na sayo'y paalam na
Kahit masaktan man ako hangang dito na lamang ito
Hanggang dito na lang
Pilit ko mang ipaglaban ating pagmamahalan
Ito'y balewala sapagkat ako'y iniwan
Hanggang dito na lang ikaw itong nagpaalam
Alam kong hanggang dito na lang