Sylvia La Torre

Hanggang Langit


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ang puso ko'y luksang luksa ngayon giliw
Pagkat ako'y napalayo sa iyong piling
Ang palad kong ito'y di ko akalain
Magdudulot sayo irog ng damdamin

Naririto ako ngayo't lumuluha
Ang dibdib ko'y punong-puno ng dalita
Huwag mong akalaing kita'y dinadaya
Pagkat ang puso ko'y tapat at dakila

Bakit kaya sinta ako'y natitiis
At ayaw mong hanguin ang puso ko sa hapis
Asahan mo sinta
Ang iyong pag-ibig
Ay dadalhin ng puso ko hanggang langit

Asahan mo sinta
Ang iyong pag-ibig
Ay dadalhin ng puso ko hanggang langit