Ebe Dancel

Hangover


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Mahirap bumangon
Anong nangyari kahapon
Pa'no umabot dito
Kumikirot ang ulo at puso

Sa dinami-dami ba naman ng gustong malimutan
Ikaw pa ang naiwan
Sa puso't isipan

Lumangoy sa alaala mo
Lumangoy hanggang malunod sa iyo
Kung ang gamot sa aking sakit ay pag-ibig
Ako ay nauuhaw at ikaw ang aking tubig
Ako'y uhaw at ikaw ang aking tubig

Buong araw nahihilo
Ang mundo ay slow mo
Dahan-dahang buksan
Ang aking mata
Ang sikmura sumisirko-sirko

Sa dinami-dami ba naman
Ng gustong malimutan
Ikaw pa ang naiwan
Sa puso't isipan

Lumangoy sa alaala mo
Lumangoy hanggang malunod sa iyo
Kung ang gamot sa aking sakit ay pag-ibig
Ako ay nauuhaw at ikaw ang aking tubig
Ako'y uhaw at ikaw

Sa dinami-dami ba naman ng gustong malimutan
Ikaw pa ang naiwan
Sa puso't isipan

Lumangoy sa alaala mo
Lumangoy hanggang malunod sa iyo
Kung ang gamot sa aking sakit ay pag-ibig
Ako ay nauuhaw at ikaw

Lumangoy sa alaala mo
Lumangoy hanggang malunod sa iyo
Kung ang gamot sa aking sakit ay pag-ibig
Ako ay nauuhaw at ikaw ang aking tubig
Ako'y uhaw
Ako'y uhaw
Ako'y uhaw at ikaw

Ikaw ang tubig sa'king uhaw