Ruben Tagalog

Harana ng puso


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Kay hirap pala
Ng nagmamahal
Sa tunay mong langit
Kung magdudulot
Ng dusa't pait

Ngunit kahit may tinik
Ang pusong ito
Dahil sa pag-ibig
Lahat ng hirap
Ay aliw ng dibdib

Giliw dinggin mo
Ang harana ng aking puso
Damhin mo ang hirap
Ng palad ko kung masiphayo

Ngunit sakaling ikaw
Ang sa aki'y bumigo
Tuloy pa rin ang harana ko
Sa iyong puso

Tuloy pa rin ang harana ko
Sa iyong puso
Habang ako'y may hininga
Ako'y iyong iyo sinta