Yoyoy Villame

Hayop na kombo


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Sayawan sa aming baryo
Orchestra ay nagkagulo-gulo
Ang kanilang mga instrumento
Ay luma na at sintunado
Ang drummer ay inuubo-ubo
Hikain pa ang nagbabaho
Saksoponista ay mga gago
Taga-tororot ay sira-ulo

Trumpet ay kalawangin
Barado at wala ng hangin
Trombone ay yupi-yupi na rin
Ang taga-ihip ay bungal ang ipin
Nagalit ang mga barangay
Orchestra'y kanilang inaway
Dahil sa kanilang tugtog
Na walang kabuhay-buhay

Ipinalit ang hayop na kombo
Baboy ang nagbabaho
Ang drummer ay aso
Butiki ang nagpi-piyano
Pusa ang organista
Manok ang gumigitara
Ayos din ang aming disko
Sa tugtog ng hayop na kombo

Nag-rock en roll ang mga daga
Nag-chacha ang mga palaka
Nagalit ang kabayong bakla
Kay kalabaw na tumutula
Palakpakan ang surot at ipis
Sa gagamba na nag-flying trapeze
Ayos din ang aming disko
Sa tugtog ng hayop na kombo
Ayos din ang aming disko
Sa tugtog ng hayop na kombo