
Hesus Na Aking Kapatid
Hesus na aking kapatid
Sa lupa nami'y bumalik
Iyong mukha'y ibang-iba
Hindi kita nakikilala
Tulutan mo aking mata
Mamulat sa katotohanan
Ikaw Poon makikilala sa
Taong mapagkumbaba
Hesus na aking kapatid (Hesus na aking kapatid)
Putikin man ang Iyong sapin (putikin man ang Iyong sapin)
Punit-punit ang iyong damit (punit-punit ang Iyong damit)
Nawa Ika'y mapasa-akin (nawa Ika'y mapasa-akin)
Tulutan mo aking mata (tulutan mo aking mata)
Mamulat sa katotohanan (mamulat sa katotohanan)
Ikaw Poon makikilala
Sa taong mapagkumbaba
Hesus na aking kapatid
Sa bukid ka nagtatanim
O sa palengke rin naman
Ikaw ay naghahanap-buhay
Tulutan mo aking mata
Mamulat sa katotohanan
Ikaw Poon makikilala
Ikaw Poon makikilala
Ikaw Poon makikilala
Sa taong mapagkumbaba