
High Tide
Masdan mo ang paligid
Punong-puno ng tubig
Umaapaw na ang ilog ko ang paglaki
Walang patid
Walang maririnig
Sa bawat dalitang bibig
Kundi ang pagdaing hanggang dibdib
Ang pagyanig
Inaanod na ang bawat pag-asa (inaanod na ang bawat pag-asa)
Ang hugis ng ngiti mo'y (ngiti mo'y)
Di na makita (di na makita)
Bawat munti na pangarap nalulunod na (nalulunod na)
Unti-unting lumulubog
Buhay sa'king gunita
Ang dati mong sigla
Na sa kuwento at lumang aklat na lang makikita
Kami ay maghihintay
Sa iyong pagbabalik
Masisilayan pa ba ang yumi mo ganda ay sisinag muli
Inaanod na ang bawat pag-asa (inaanod na ang bawat pag-asa)
Ang hugis ng ngiti mo'y hindi ko na makita (di na makita)
Bawat munting pangarap nalulunod na (nalulunod na)
Unti-unting lumulubog
Inggit na inggit ako sa araw
Buong maghapon singaw ang kaulayaw
At naninibugho sa dagat
Sa maghapo'y katalik ang high tide
Bayang pinagpala ng tubig
Baha sa kandungan mo'y kay lagkit
Sa Hagonoy ay baha hanggang singit
Sa pulikat ay namamalipit
Lupang maharlikang tahanan
Naanod lamang mula sa putikan
Basahang punas ang kailangan
Sa alipungang sakdal kapal
Kami'y anak mong lumilisan
Walang lambing ang alon sa dagat
Laging hanap namin ay liwanag
Sa paglayang sakdal ilap
Ho
Kung inaanod na ang bawat pag-asa
Kung ang hugis ng ngiti mo'y hindi ko na makita
Bawat munting pangarap nalulunod na
At unti-unting lumulubog
Kapit pa
Kapit pa kaka (kapit pa kaka)
May sasagip (may sasagip)
May sasagip pa ba kumapit pa (kumapit pa)
Aahon pa ba kapit pa (aahon pa ba kapit pa)
Huwag kang bibitiw (huwag kang bibitiw)
Bayang pinagpala ng langit
Buhay sa kandungan mo'y kay tamis
Tahanan ng tula at awit
Ng damdaming pumipintig