
Higit Sa Pangako
Pag-ibig natin na inilaan
Patuloy na ito'y mararanasan
Pangako ko'y tanging ikaw lamang
Mamahalin habang ako'y may buhay
Dahil ikaw ang laman ng puso ko
Mamahalin kita higit sa pangako ko
Mararamdaman at maaasahan mo
Ikaw lamang liyag ang buhay ko
Sa pagsubok hawak kamay tayo
Na dudulog sa ating Panginoon
Tagumpay ay tiyak na matatamo
Dahil tayong dalawa ay magkasama
Dahil ikaw ang laman ng puso ko
Mamahalin kita higit sa pangako ko
Mararamdaman at maaasahan mo
Ikaw lamang liyag ang buhay ko
Mga pangako ko'y maaasahan mo
'Pagkat pag-ibig ko sayo ay totoo (oh)
Hindi magmamaliw hindi magbabago (oh)
'Pagkat aking liyag mahal na mahal kita ah
Mararamdaman at maaasahan mo
Ikaw lamang liyag
Dahil ikaw ang laman ng puso ko
Mamahalin kita higit sa pangako ko
Mararamdaman at maaasahan mo
Ikaw lamang liyag
Ikaw lamang liyag
Ikaw lamang liyag ang buhay ko