Jesuit Music Ministry

Himig Heswita Medley: Sayo Lamang / Tanging Yaman / Awit Ng Paghahangad / Panunumpa


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Puso ko'y binihag mo
Sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay
Ako'y iyo habang buhay

Aanhin pa ang kayamanan
Luho't karangalan
Kung ika'y mapa sakin
Lahat na nga ay kakamtin

Sa'yo lamang ang puso ko (sa'yo lamang ang buhay ko)
Sa'yo lamang ang buhay ko (sa'yo lamang ang buhay ko)
Kalinisan pagdaralita
Pagtalima aking sumpa

Ika'y hanap sa twina
Nitong pusong ikaw lamang ang saya
Sa ganda ng umaga
Nangungulila sa'yo sinta

Ikaw ang aking tanging yaman
Na 'di lubusang masumpungan
Ang nilikha mong kariktan
Sulyap ng 'yong kagandahan

Ika'y pagmamasdan sa dakong banal
Nang makita ko ang 'yong pagkarangal
Dadalangin akong nakataas aking kamay
Nagagalak na aawit ng papuring iaalay

Gunita ko'y ikaw habang nahihimlay
Pagka't ang tulong mo sa twina'y taglay
Sa lilim ng iyong mga pakpak
Umaawit umaawit
Umaawit akong buong galak

Ikaw lamang ang pangakong mahalin
Sa sumpang sa iyo magpakailanpaman
Yakapin mong bawat sandali
Ang buhay kong sumpa sa'yo lamang alay
At mapapawi ang takot sa kin
Pagka't taglay lakas mong angkin

Ikaw ang siyang pag-ibig ko
Asahan mo ang katapatan ko
Kahit ang puso ko'y nalulumbay
Mananatiling ikaw pa rin

Ikaw lamang ang pangakong mahalin
Sa sumpang sa iyo magpakailanpaman
Yakapin mong bawat sandali
Ang buhay kong sumpa sa'yo lamang alay
At mapapawi ang takot sa kin
Pangakong walang hanggan

At mapapawi ang takot sa kin
Pagka't taglay lakas mong angkin

Sa'yo lamang ang puso ko (sa'yo lamang ang puso ko)
Sa'yo lamang ang buhay ko (sa'yo lamang ang buhay ko)
Kalinisan pagdaralita (kalinisan pagdaralita)
Pagtalima aking sumpa (pagtalima)

The most viewed