Hinahanap Pa Rin
Oh
Nag-iisa nalulumbay nagtataka
Bakit bigla nalang nawalang parang bula
Di ba nangako ka ako lang walang iba
Ngunit ngayon nasan ka na
Ako na may nandito lang naghihintay
Sa bawat sandali ng aking buhay
Kahit anong sakit handa ko'ng tiisin
Sabihin mo lang na babalik ka
Hinahanap pa rin ang pag-ibig mo
Kahit ikaw naman ang unang lumayo
Ano bang nagawa bakit nilisan mo
Ang puso kong ito nagmamahal ng tapat sa'yo
Tandang tanda ko pa mga araw na kay saya (na kay saya)
Akala ko hindi na matatapos pa (di na matatapos pa)
Ngunit sa isang iglap (isang iglap)
Bigla kang nawala
Walang nagawa kundi ang lumuha
Hinahanap pa rin ang pag-ibig mo (pag-ibig mo)
Kahit ikaw naman ang unang lumayo (unang lumayo)
Ano bang nagawa bakit nilisan mo (bakit nilisan mo)
Ang puso kong ito nagmamahal ng tapat sa'yo
Handa akong ialay ang lahat sayo
Para lang sa isang lingon mo (o mahal ko)
O mahal ko oh
Hinahanap pa rin ang pag-ibig mo
Kahit ikaw naman ang unang lumayo
Ano bang nagawa bakit nilisan mo (bakit nilisan mo)
Ang puso kong ito nagmamahal ng tapat sa'yo oh
Nagmamahal ng tapat sa'yo