Gloc 9

Hindi Sapat


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Tubig na iinomin mo na ay
Ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay
Saya mong mahaba na nagka gutay-gutay
Retasong pang ginaw sa gabing matamlay
Aking inay

Nanay mommy ina
Mama inang mamang ima
Sa 'min ay wala nang iba
Di sapat ang salamat inay

Nanay mommy ina
Mama inang mamang ima
Dapat niyong malaman
Isisigaw na ikaw ang aking inay

Siyam na buwan sa 'yong sinapupunan dinala
Hayaan po ninyong sabihin ko'ng ikaw ang pinaka
Mapagbigay hindi iniisip ang sarili
At kay itay ikaw ang palaging humahalili

Pag hinihipan mo ang sugat ko agad gumagaling
Pag kinukuha ko ang buhat nyo agad umiiling
Kaya ko na ito anak baka mahuli ka sa klase
Tinapay na pinalamanan ng baon palagi

Madaling araw kung gumising para lang makapagluto
Maghapong maglalako para sa maliit na tubo
Bayad naming sa ilaw tubig kureyente
Kahit kulang ang sweldo palaging meyrong pamalengke

Mawalang galang na nanay pagpasenyahan nyo na
Pagsuway ko ba ay pwede ko bang dagdagan pa ng isa

Iwasan ang pagyayabang yan ang palaging bilin niya
Pagsisigawan kung gaano kapalad
Na ikaw ang siyang aking ina

Tubig na iinomin mo na ay
Ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay
Saya mong mahaba na nagka gutay-gutay
Retasong pang ginaw sa gabing matamlay
Aking inay

Nanay mommy ina
Mama inang mamang ima
Sa 'min ay wala nang iba
Di sapat ang salamat inay

Nanay mommy ina
Mama inang mamang ima
Dapat niyong malaman
Isisigaw na ikaw ang aking inay

Puyat pagod sinat hagod
Sahing haing hugas kayod
Sahod may kapos hindi ka nakakalimot
Na sindihan ang posporo kandilang tinutusok
Sa ibabaw ng mamon na balot matamis
Regalo mo taon taon tila napakabilis
Isang babae na di marunong maningil ng buwis
Minsa'y nakakainis minamani mo ang tiis

Kapalit lang ay halik at yakap na mahigpit
Mano sa kanang kamay sa noo ididikit
Kahit gabutil ng buhangin ay pipiliting ibalik
Parang simoy ng hangin ikaw ay walang kapalit

Mawalang galang na nanay pagpasenyahan nyo na
Pagsuway ko ba ay pwede ko bang dagdagan pa ng isa

Iwasan ang pagyayabang yan ang palaging bilin niya
Pagsisigawan kung gaano kapalad
Na ikaw ang siyang aking ina

Tubig na iinomin mo na ay
Ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay
Saya mong mahaba na nagka gutay-gutay
Retasong pang ginaw sa gabing matamlay
Aking inay

Nanay mommy ina
Mama inang mamang ima
Sa 'min ay wala nang iba
Di sapat ang salamat inay

Nanay mommy ina
Mama inang mamang ima
Dapat niyong malaman
Isisigaw na ikaw ang aking inay

Tubig na iinomin mo na ay
Ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay
Saya mong mahaba na nagka gutay-gutay
Retasong pang ginaw sa gabing matamlay
Aking inay